![]() Para kay Villar, kung migranteng manggagawa ka na napariwa sa ibayong dagat, ang solusyon ay bigyan ka ng salapi at kaugnay na tulong para makabalik sa bansa. ![]() Gayunman, hindi ipinaliliwanag ni Villar ang mga pamamaraan at estratehiya kung paano lulutasin ang gayong problema. Malulutas umano ang kahirapan kung may sipag at tiyaga ang tao. Isa pang hindi naipaliliwanag ni Villar ay ang mismong “kahirapan.” Sa unang malas ay tinutukoy nito ang kadahupan sa antas ng materyal na pangkabuhayan. Simplistiko ang pagtanaw ni Villar sa kahirapan at ang kahirapan ay nagiging romantisado ang pagtanaw, gaya ng pagligo sa dagat ng basura. Maganda mang pakinggan ang gayong islogan, lihis naman ang lohika nito at ang “kahirapan” ay hindi nailulugar ang konteksto, ni hindi naipaliliwanag nang maigi kung bakit nananatiling mahirap ang mga Filipino. Ipinangangako ni Manny Villar na “tatapusin” ang kahirapan ng mga Filipino, sa pamamagitan umano ng sipag at tiyaga. Eliot, at idaragdag kong isinisilang nito ang mga bulaklak ng kampanya mula sa tigang na lupain ng propaganda, samantalang dinidiligan ng salapi mula sa bulsa ng mga politiko. ![]() Pinakamalupit na panahon ang Abril, kung hihiramin ang dila ni T.S.
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorWrite something about yourself. No need to be fancy, just an overview. ArchivesCategories |